Sa taong 2017, di-kukulangin sa 10 milyon ang maibabawas sa bilang ng mahihirap na mamamayang Tsino.
Ito ang ipinahayag ni Ou Qingping, Pangalawang Direktor ng Leading Group of Poverty Alleviation and Development ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina sa press briefing nitong nagdaang Biyernes, Pebrero 24, 2017.
Ipinahayag din ni Ou na ayon sa pambansang plano ng Tsina sa taong 2020, nakatakdang makahulagpos sa kahirapan ang lahat ng 40 milyong mahihirap na Tsino. Idinagdag pa niyang upang maisakatuparan ang nasabing target, pag-iibayuhin ng pamahalaang Tsino ang suportang pinansyal at laang-gugulin sa pagpapasulong ng serbisyong pampubliko sa mararalitang lugar.
Salin: Jade
Pulido: Rhio