Ang mensaheng pambagong taon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay binigyan ng mataas na pagtasa ng mga personahe sa iba't ibang sirkulo ng daigdig.
Sinabi nilang, ang mga isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan ay isang pangunahing nilalaman ng naturang mensahe. Ito anila ay nagpapakitang ang pagdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan ay ultimong target ng pag-unlad ng Tsina, at iginigiit ng partido at pamahalaang Tsino ang ideyang "put people first."
Ayon pa rin sa mga personahe, muling iniharap ni Pangulong Xi ang target ng Tsina hinggil sa pagbabawas ng lahat ng mga mahirap na populasyon hanggang sa taong 2020. Anila, natamo na ng Tsina ang malaking bunga sa pagbabawas ng kahirapan, at ang mga karanasan ng Tsina sa usaping ito ay karapat-dapat na tularan ng iba't ibang bansa.
Positibo rin ang mga personahe sa pagbanggit ni Pangulong Xi ng magkakasamang pagtatatag ng "community of shared future for mankind." Anila, ang mungkahing ito ng Tsina ay isang magandang paraan para sa pagharap ng daigdig sa mga komong hamon, at makikinabang dito ang iba't ibang bansa.
Salin: Liu Kai