|
||||||||
|
||
Idaraos Enero 10, 2018, sa Phnom Penh, Cambodia ang Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC). Sa ngalan ng Tsina, lalahok sa pulong si Premyer Li Keqiang. Dadalaw rin si Premyer Li sa Cambodia.
Sapul nang itatag ang mekanismo ng LMC noong 2014, inaasahang napakamakabuluhan ang gaganaping pulong sa panahon ng transisyon ng LMC mula sa paglilinang patungong kahinugan. Itatakda sa idaraos na pulong ang planong pangkooperasyon ng mga kasaping bansa sa susunod na yugto.
Ito ang ipinahayag ni Kong Xuanyou, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina sa isang press briefing kahapon, Huwebes, Enero 4, 2018, sa Beijing.
Ang LMC ay binubuo ng anim na bansa sa kahaban ng Lancang-Mekong River na kinabibilangan ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Vietnam. Ang Lancang ay tawag ng mga mamamayang Tsino sa itatas na bahagi ng Mekong.
Noong Marso, 2016 sa Unang Pulong ng mga Lider ng LMC sa Sanya, Hainan Province, Tsina, itinakda ng mga kasaping bansa ang seguridad na pampulitika, ekonomiko at sustenableng pag-unlad, at pag-unlad na panlipunan at people-to-people exchanges bilang tatlong "pillar" ng LMC. Kabilang sa anim na larangan ng priyoridad ng LMC ay konektibidad, production capacity, transborder na kabuhayan, yamang-tubig, agrikultura, at pagpapahupa ng kahirapan.
Ang LMC ay mahalagang bahagi rin ng panlahat na pagtutulungan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |