Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lider na kalahok sa LMC Summit, magkakasamang nakipagtagpo sa mga mamamahayag

(GMT+08:00) 2018-01-11 09:47:29       CRI

Pagkaraan ng Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) na idinaos noong ika-10 ng Enero, 2018 sa Phnom Penh, Kambodya, magkakasamang nakipagtagpo sa mga mamamahayag ang mga kalahok na lider na sina Premiyer Li Keqiang ng Tsina, Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya, Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos, Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand, Punong Ministro Nguyễn Xuân Phúc ng Biyetnam, at Pangalawang Pangulong Myint Swe ng Myanmar.

Isinalaysay ni Li na malapit sa isa't isa ang mga bansa sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong, at sila ay komunidad na may shared future. Ang pagdaragdag ng bentahe sa isa't isa ay hindi lamang makakabuti sa koopearsyon, kundi makakatulong sa pangmatagalang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon, aniya pa.

Tinukoy ni Li na ang LMC ay may pagkakapantay-pantay, inklusibo, at pragmatiko. Ito aniya ay may kaugnayan sa iba pang mekanismong pangkooperasyong gaya ng kooperasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang pagkakaroon ng komong palagay sa pulong na ito ay tiyak na magbibigay ng mas maraming kapakinabangan sa mga mamamayan ng rehiyon, dagdag niya.

Ipinahayag naman ni Hun Sen na natamo ang magandang bunga sa pulong na ito. Nitong dalawang taong nakalipas, pinabubuti ang mekanismo ng LMC at kapansin-pansin ang progreso, aniya. Sinabi pa niyang gumaganap ang Tsina ng mahalagang papel ng patnubay. Nananalig din siyang walang tigil na uunlad ang LMC, at ito' y magpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan ng iba't ibang bansa, at lilikha ng komunidad na may kapayapaan at kasaganaan.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>