Phnom Penh, Cambodia — Ginanap nitong Martes, Enero 9, 2018, ang Ika-6 na Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) kung saan susuriin ang ilang mahalagang bungang ilalabas ng Ikalawang Pulong ng mga Lider ng LMC. Ito ay para gumawa ng paghahanda sa gaganaping pulong ng mga lider.
Ayon kay Huang Xilian, Pangalawang Puno ng Departamento ng Asya ng Ministring Panlabas ng Tsina, ilalabas sa Ikalawang Pulong ng mga Lider ng LMC ang ilang mahalagang bungang kinabibilangan ng "Plano ng Aksyon ng LMC sa Limang Taon," "Deklarasyon ng Ikalawang Pulong ng mga Lider ng LMC sa Phnom Penh," at iba pa. Aniya, inaabangan ng iba't ibang panig ang pagkakaroon sa nasabing pulong ng bagong komong palagay tungkol sa pag-unlad ng LMC sa hinaharap.
Ayon sa ulat, itinakdang idaos mamayang hapon, Enero 10, 2018, sa Phnom Penh ang Ikalawang Pulong ng mga Lider ng LMC.
Salin: Li Feng