Phnom Penh, Cambodia—Nilagdaan kahapon, Huwebes, Enero 11, ng Tsina at Cambodia ang kasunduang pangkooperasyon hinggil sa pananaliksik sa palay, at kasunduang pangkooperasyon hinggil sa pagtatayo sa Cambodia ng sentro ng paglilinang ng pambihirang punong tropikal.
Ang nasabing dalawang kasunduan ay kabilang sa 19 na dokumentong pangkooperasyon na nilagdaan ng Tsina at Cambodia sa katatapos na biyahe ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa nasabing bansa. Dumalaw si Premyer Li sa Cambodia noong Enero 11, makaraang lumahok sa Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), noong Enero 10 sa Phnom Penh.
Salin: Jade
Pulido: Mac