|
||||||||
|
||
Author: Liu Chang, Asistanteng Mananaliksik hinggil sa mga isyung Asya-Pasipiko ng China Institute of International Studies
Idinaos Enero 10, 2018 ang Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), sa Phnom Penh, Cambodia. Lumahok dito ang anim na bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River na kinabibilangan ng Tsina, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand at Vietnam. Palatandaan itong pumapasok na sa bagong yugto ang pagtutulungang Lancang-Mekong. Nitong dalawang taong nakaraan sapul nang itatag ang LMC, mabunga ang pagpapalitan at pagtutulungan. Tulad ng sinabi ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa ilalim ng LMC, nililinang ng mga kasaping bansa ang kultura ng pagkakapantay-pantay, katapatan, pagtutulungan at pagkakapamilya. Kabilang sa Lancang-Mekong Cooperation sa iba't ibang larangan, mabunga at may mahalagang katuturan ang pagpapalitan ng mga tao.
Masaganang pagpapalitan ng mga tao ng LMC
Ang pagpapalitan ng mga tao ay nagsisilbing batayan ng pag-uugnayan ng mga bansa. Ang people-to-people exchanges ay "pillar" ng LMC, kasama ng seguridad na pampulitika, at ekonomiko at sustenableng pag-unlad.
Una, ang pagpapalitan ng mga tao sa ilalim ng LMC ay sumasaklaw sa iba't ibang larangan. Halimbawa, sa larangang pansining ay may Lancang-Mekong Film Week, Pestibal na Pansining ng Lancang-Mekong, Biyaheng Pangkultura ng Lancang-Mekong at iba pa. Kaugnay ng pagpapalitan ng kabataan, may Paligsahang Pang-inobasyon ng Kabataan sa Pangangasiwa at Pag-unlad ng Ilog Lancang-Mekong at Paligsahan ng Entrepreneurship. Bukod dito, mayroon ding mga aktibidad ng pagpapalitan hinggil sa kababaihan, turismo, edukasyon, kalusugan at relihiyon ang anim na kasapi ng LMC.
Pangalawa, malalim ang pundasyon ng pagpapalitan ng mga tao ng LMC. Sa totoo lang, may matagal na kasaysayan ang ilan sa nasabing aktibidad ng pagpapalitan at pagtutulungan. Nababatay rin ang mga ito sa mga natamong karanasan ng panig Tsino. Halimbawa, batay sa katulad na pambansang programa, isinagawa ng Tsina ang libreng operasyon sa 800 may kataratang taga-Cambodia, Laos at Myanmar.
Pangatlo, lumalalim ang pagpapalitan ng mga tao sa iba't ibang larangan ng LMC. At karamihan sa mga ito ay naging regular na programa.
Kultura ng LMC, magpapalalim sa kooperasyon
Ang Lancang-Mekong Cooperation ay nagtatampok sa pagiging pantay-pantay, bukas at inklusibo, pragmatiko, at komong kaunlaran. Ang nasabing mga katangian ay diwa at kultura ng LMC. Nagsisilbi ang mga ito bilang lakas sa pagpapalalim ng LMC.
Malapit na kapamilya, layon ng kultura ng LMC
Ang dumaraming pagpapalitan sa iba't ibang larangan ay nagpapalapit ng mga mamamayan mula sa anim na kasaping bansa ng LMC.
Labing-dalawang (12) Pagpapalitan ng mga Kabataan ng Lancang-Mekong ang idinaos. Salamat dito, maaaring palalimin ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ang mga kabataan sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong. Ang mga kabataan naman ay ibayo pang magpapasigla sa pagpapalitan at pagtutulungan sa ilalim ng LMC. Kasabay nito, lumalago rin ang paglalakbay sa isa't isa ng mga turista. Halimbawa, noong 2017, apat na milyong turistang Tsino ang naglakbay sa Vietnam at isang milyong turistang Tsino ang pumunta sa Cambodia samantalang tumaas din ang bilang ng mga turista mula sa mga bansa sa kahabaan ng Mekong River sa Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |