Maynila, Pilipinas--Hiniling Miyerkules, Enero 17, 2018 ng GABRIELA Alliance of Women Kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng konkreto at malinaw na posiyon at patakaran hinggil sa isyu ng comfort women, mga Pilipinang sapilitang pinaglingkod bilang "sex slave" ng Hukbong Imperyal ng Hapon noong World War II.
Ito ang ipinahayag sa panayam sa Xinhua News Agency ng Tsina ni Joms Salvador, Pangkalahatang Kalihim ng nasabing grupong nangungna sa pagsisikap para sa kalayaan ng kababaihang Pilipina.
Sa panayam naman ng MindaNews noong Biyernes, Enero 12, sa Davao City, ipinahayag ni Pangulong Duterte na ang bagong-tayong monumento ng comfort women sa bansa ay para ipagbunyi sila. Ang panayam ay isinagawa makaraang ipahayag ni Seiko Noda, Ministro ng mga Suliraning Panloob at Komunikasyon ng Hapon ang kalungkutan sa pagtatayo ng estatuwa ng comfort women sa Maynila. Bilang tugon, sinabi ni Duterte kay Noda na karapatang konstitusyonal ng mga kamag-anakan at mga comfort women na nabububay na ilahad kung ano ang gusto nilang ilahad sa pamamagitan ng nasabing estatuwa.
Noong Disyembre, 2017, itinayo ang iskulturang bronse ng "comfort women" na may taas na pitong talampakan sa Roxas Boulevard, Maynila.
Salin: Jade
Pulido: Rhio