Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtatanghal hinggil sa comfort women, pinasinayaan sa Indonesia

(GMT+08:00) 2016-08-11 15:33:58       CRI

Jakarta, Indonesia--Binuksan Martes, Agosto 9, 2016 ang art creations exhibition kung saan mapapanood ang pagdurusa ng comfort women noong panahon ng kolonisasyon ng Hapon sa Indonesia mula 1941 hanggang 1945.

Ang nasabing eksibisyon na pinamagatang Visual Book of Ianfu ay tatagal hanggang Agosto 23 bilang paggunita sa World's Ianfu Day na natatapat Agosto 14 kada taon. Ang Ianfu ay salitang Hapones na nangangahulugang comfort women, mga babaeng sexual slaves ng mga hukbong Hapones noong World War II.

Ang eksibisyon na inorganisa ng Indonesia Ianfu Committee ay nagtatanghal ng mga akda ng 12 babaeng alagad ng sining mula sa Indonesia.

Ayon kay Dolorosa Sinaga, curator ng eksibisyon, bawat itinatanghal na produktong pansining ay nagtatampok sa kuwento ng pagdurusa at bigong pagsisikap ng comfort women para makahulagpos sa sex slavery. Aniya pa, karamihan sa comfort women ay nilinlang ng hukbong Hapones at napilitang maging sex slave sa murang edad. Pinangakuan daw ng hukbong Hapones na magtatrabaho ang mga babae bilang waitress o mang-aawit. Mayroon din aniyang mga babae na dinukot lamang ng mga Hapones para gawing parausan.

Ayon sa datos na ipinalabas ng samahan ng dating Japan-affiliated Indonesian troops (Heiho) noong 1996, mahigit 19,000 ang bilang ng Indonesian comfort women. Samantala, ang kabuuang bilang ng mga comfort women sa Asya ay lampas sa 400,000.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>