Idaraos sa ika-18 at ika-19 ng buwang ito sa Beijing, ang ika-2 sesyong plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ito ay kapasiyahang ginawa sa pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, na ginanap ngayong araw, Biyernes, ika-12 ng Enero 2018, sa Beijing.
Ayon pa rin sa kapasiyahan, sa gaganaping sesyong plenaryo, susuriin ang dokumento hinggil sa mga mungkahi ng Komite Sentral ng CPC para sa pagsususog sa ilang nilalaman ng Konstitusyon ng Tsina. Anito, ang kasalukuyang pagsususog ay para angkop ang Konstitusyon sa pag-unlad ng mga usaping may kinalaman sa mga mamamayan, at makabuti ito sa pagpapasulong ng sosyalismong may katangiang Tsino sa makabagong panahon.
Salin: Liu Kai