Pagkaraang ilabas ang mga pangunahing estadistikang pangkabuhayan ng Tsina noong isang taon, binigyan ng positibong pagtasa ng ilang eksperto ang takbo ng kabuhayang Tsino, at optimistiko sila sa prospek ng kabuhayan sa taong ito.
Sinabi ni Yuan Gangming, mananaliksik ng Tsinghua University, na batay sa estadistika, nakikita ang katatagan sa mga aspekto ng kabuhayang Tsino, na gaya ng paglaki ng GDP, hanapbuhay, presyo ng bilihin, international balance of payment, at iba pa. Ito aniya ay patunay sa mabuting takbo ng kabuhayang Tsino noong isang taon.
Ipinahayag naman ni Wang Jun, ekonomista ng Zhongyuan Bank, na noong isang taon, mabilis na umunlad ang mga industriyang may inobasyon at bagong teknolohiya, at lumaki ang ambag ng mga industriyang ito sa GDP. Ipinalalagay niyang ito ay nagpapakita ng inisyal na bunga ng paggagalugad ng Tsina sa mga bagong lakas na tagapagpasulong sa kabuhayan.
Salin: Liu Kai