Sa isang pulong ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na idinaos noong ika-25 ng Disyembre, 2017, inilabas ni Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ng Tsina ang timetable ng pagpapalakas ng kabuhayan at kalakalan ng bansa.
Ani Zhong, ang "timetable" ay may tatlong yugto: una, mula sa kasalukuyan hanggang taong 2020, ibayo pang palalakasin ang katayunan ng bansa sa kabuhayan; ikalawa, mula 2020 hanggang taong 2035, magiging isa sa mga bansa ang Tsina na may bentahe sa pagpapalakas ng kabuhayan; at ikatalo, magiging komprehensibong malakas ang Tsina sa kabuhayan at kalakalan hanggang sa taong 2050.
Ayon sa datos ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong 5 taong nakalipas, ang konsumong panloob, kalakalang panlabas at pamumuhunan sa loob at labas ng Tsina ay nasa unang hanay sa daigdig. Unti-unti ring kinokompleto ang bagong bukas na mekanismo ng kabuhayan, at ang Tsina ay nagiging malaking bansa sa kabuhayan at kalakalan.
salin:Lele