Noong ika-10 ng Enero, 2018, idinaos sa Phnom Penh, Kambodya ang Ika-2 Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Leaders' Meeting. Tinukoy ni Huang Xilian, kalahok na umaaaktong mataas na opisyal ng panig Tsino sa LMC at hahaliling Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na mabungang mabunga ang katatapos na pulong, at malalim ang impluwensiya nito. Ito aniya ay palatandaan ng pagpasok ng LMC sa panahon ng mabilis na pag-unlad.
Kinapanayam ng mamamahayag ng CRI si Huang Xilian, hahaliling Embahador ng Tsina sa ASEAN
Sinabi ni Huang na inilabas sa pulong ang "Panlimahang Taong Plano sa Aksyon ng LMC" at "Deklarasyon ng Phnom Penh ng Ika-2 LMC Leaders' Meeting," at ibinahagi ang "Listahan ng Ika-2 Pangkat ng Mga Proyekto ng LMC" at "Ulat ng Magkakasanib na Working Group ng Anim na May Priyoridad na Larangan ng LMC." Ipinalalagay niyang ang mga pinagtibay na dokumento at natamong bunga sa pulong ay nagpasulong sa pagpasok ng LMC sa isang panahon ng mabilis na pag-unlad. Ipinatalastas sa nasabing pulong ang listahan ng bagong pangkat ng kooperasyon na may mahigit 210 proyekto.
Ang tema ng kasalukuyang pulong ay "Ang Aming Mapayapa't May Sustenableng Pag-unlad na Ilog." Ipinalalagay ni Huang na ang kooperasyon na may kinalaman sa ilog ay pangmatagalang tema ng LMC. Ang pinal na target ng LMC ay pagtatatag ng Community of Common Destiny ng mga bansa ng Lancang-Mekong River na tungo sa kapayapaan at kasaganaan, kaya ang kapayapaan ay proyoridad. Kung may kapayapaan, saka lamang magkakasamang uunlad ang anim na bansa sa kahabaan ng Lancang Mekong River.
Salin: Vera