|
||||||||
|
||
Noong Enero 17, 2018, lantarang pumasok ang isang guided missile destroyer ng US Navy sa karagatang nakapaligid ng Huangyan Island ng Tsina. Kaugnay nito, agarang gumawa ng reaksyon ang panig Tsino, at binalaan at pinalayas ng pandigmang bapor ng Tsina ang nasabing guided missile destroyer.
Anang panig Tsino, may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Huangyan Island at karagatang nakapaligid dito. Ang kilos ng nasabing American warship ay nakapinsala sa soberanya at kapakanang panseguridad ng Tsina, lumabag sa pundamental na pamantayan ng relasyong pandaigdig, at taliwas sa tunguhin ng matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at hukbo, ayon pa sa panig Tsino.
Noong Mayo ng nagdaang taon, nagkaroon ang Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng balangkas ng "Code of Conduct (COC) in the South China Sea." Noong Agosto, 2017, naaprobahan ito ng mga Ministrong Panlabas ng iba't-ibang bansang ASEAN. Sa panahon ng serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya sa Pilipinas, idineklara ng Tsina ang pagpapasimula ng pagsasanggunian tungkol sa burador ng COC. Ito ay nakakuha ng malawakang pagtanggap ng mga bansang ASEAN.
Dagdag pa ng Tsina, kung talagang nais gumawa ng papel ng Amerika sa Silangang Asya, dapat itong lumahok sa mga suliraning panrehiyon sa ilalim ng konstruktibong atityud.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |