Beijing, Tsina—Noong 2017, umabot sa 7.8 trilyong yuan RMB (1.22 trilyong USD) ang halaga ng kabuhayang pandagat ng Tsina. Ito ay mas mataas nang 7.5% kumpara noong 2016. Katumbas ito ng 10% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Ito ang ipinahayag kamakailan ni Wang Hong, Direktor ng State Oceanic Administration ng Tsina sa pambansang pulong na pandagat.
Pagdating sa progreso noong nagdaang taon, inilahad ni Wang na sa isinagawang survey ng kanyang administrasyon hinggil sa polusyong pandagat na dulot ng mga source sa lupa, 9,600 pinanggalingan ng polusyon ang natuklasan. Kasabay nito, isinagawa rin ng bansa ang mga pananaliksik na pandagat na kinabibilangan ng mga ginawang pananaliksik ng icebreaker na Xuelong at deep-sea manned submersible na Jiaolong.
Kabilang sa mga gagawing reporma sa taong 2018 ay pagpapatuloy ng pangangasiwa at pagkontrol sa polusyong pandagat na tulad ng ginawa noong 2016 at 2017, pagpapabilis ng pagtatatag ng demonstration zone para sa kabuhayang pandagat para mapasulong ang de-kalidad na pag-unlad, pagpapasulong ng may kinalamang lehislasyon at iba pa, dagdag pa ni Wang. Bukod dito, magsisikap din ang Tsina para itatag ang mga high-end na "marine industrial cluster" sa Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area na may antas na pandaigdig, at pasulungin ang Shanghai at Shenzhen bilang padaigdig na sentrong pandagat.
Salin: Jade
Pulido: Mac