Idinaos kamakailan sa Beijing ang Annual Central Economic Work Conference ng Tsina.
Tinukoy sa pulong na ang pagpapalalim ng supply-side structural reform ang pangunahing tungkuling haharapin ng Tsina sa ibat-ibang gawaing pangkabuhayan, sa taong 2017. Ipinalalagay ng mga dalubhasa na ang pagpapalalim ng supply-side structural reform ay hindi lamang nakatutok sa pangunahing dahilan ng salungatang dulot ng estrukturang pangkabuhayan ng bansa, kundi maging isang mabisang paraang angkop sa aktuwal na kalagayan at pangangailangan, para isakatuparan ang new economic normal. Ito rin anila'y makakatulong sa pagpapatingkad ng pamilihan ng mas malaking papel sa operasyong pangkabuhayan ng bansa, at pagpapasigla ng real economy.