Idinaos kahapon ng hapon Mayo 23, 2017 ng Komite Sentral ng CPC ang ika-35 pulong hinggil sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma.
Sa kanyang talumpati sa pulong, binigyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagsasagawa ng subok-reporma sa ilang larangan ay may mahalagang katuturan sa pagpapasulong ng komprehensibong reporma ng bansa. Aniya, inaasahan ng Komite Sentral na pahihigpitin ang pagpapaplano sa pagsubok ng reporma, batay sa prinsipyo ng paggigiit ng mas bukas na kaisipan, pagbibigay-galang sa aktuwal na kalagayan, aktibong paghahanap ng mga bagong paraan, aktibong pagpapraktis, pagpapalawak at pagpapalaganap ng mga matagumpay na karanasan, para pasulungin ang komprehensibong reporma.
Sinuri sa pulong ang mga ulat hinggil sa reporma sa larangan ng edukasyon, pamumuhunan mula sa mga dayuhang mangangalakal, panganglaga sa kapaligiran, impormasyon, medisina at gamot, at iba pa. Dumalo rin sa pulong ang mga lider Tsino na kinabibilangan nina Li Keqiang, Liu Yunshan, at Zhang Gaoli.