|
||||||||
|
||
Martes, Enero 23, 2018, idinaos dito sa Beijing ang pagtitipun-tipon ng Tsina at ASEAN bilang pagdiriwang sa Spring Festival. Kalahok dito ang mga embahador at kinatawan ng mga bansang ASEAN sa Tsina na kinabibilangan ng Pilipinas, Laos, Singapore, Brunei, Myanmar, Thailand at iba pa at mga kinatawan ng panig Tsino, para magpadala ng bating pambagong taon sa isa't isa.
Si Ambassador Jose Santiago Sta. Romana ng Pilipinas (kanan), kasama si Xu Ningning, Executive President ng CABC (ika-4 mula kaliwa), at ang mga diplomata't kinatawang dumalo sa pagtitipun-tipon.
Dumalo sa nasabing aktibidad si Ambassador Jose Santiago Sta. Romana ng Pilipinas, at ang mga kinatawan ng mga bahay-kalakal ng Pilipinas sa Tsina. Ginawaran sina Henry Sy, Tagapagtatag ng SM Group, at Francis Chua, Founding Chairman ng Philippine Silk Road International Chamber of Commerce (PSRICC), ng Outstanding Contributors for Promoting ASEAN-China Economic and Trade Cooperation Award.
Ang mga ginawaran ng Outstanding Contributors for Promoting ASEAN-China Economic and Trade Cooperation Award.
Nitong nakalipas na 18 taong singkad, itinaguyod ng China-ASEAN Business Council (CABC) at Komite ng ASEAN sa Beijing ang pagtitipun-tipon sa bisperas ng Spring Festival, para mapasulong ang pagkakaibigang pangkapitbansa at kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Ang CABC ay isa sa mga mekanismong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN, at ang Komite ng ASEAN sa Beijing naman ay binubuo ng mga embahador ng 10 kasaping bansa ng ASEAN sa Tsina.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |