|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Isinapubliko Biyernes, Enero 26, 2018 ng Tsina ang Whitepaper hinggil sa Patakarang Arktiko ng bansa.
Sa nasabing whiterpaper, nangako ang Tsina na magsisikap, kasama ng lahat ng mga may kinalamang panig, para alamin, pangalagaan, paunlarin ang Arctic at harapin ang mga hamon sa nasabing rehiyon, batay sa mga batas na pandaigdig.
Ayon sa datos, nitong sampung taong nakalipas, dalawang beses na tumaas ang klima sa Arctic kumpara sa ibang lugar ng daigdig, at nitong 30 taong nakalipas naman, nabawasan nang kalahati ang saklaw ng yelo sa Arctic Ocean sa tag-init.
Para mapsulong ang pandaigdig na pagtutulungang may kinalaman sa Arctic, iminungkahi rin ng Tsina na itatag ang "Polar Silk Road" sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga rutang Arktiko, alinsunod sa mga may kinalamang batas na pandaigdig. Ang nasabing mungkahi ay bahagi ng Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina para mapasulong ang koordinasyong pampatakaran, konektibidad sa imprastruktura, ugnayang pangkalakalan, integrasyong pandaigdig at pagpapalitan ng mga tao o people-to-people exchange, ng iba't ibang bansa.
Ipinagdiinan din ng Tsina na bilang bansa sa labas ng Arctic, hindi ito makikialam sa mga suliranin ng mga bansang Arktiko.
Lampas sa walong milyong kilometro kuwadrado ang teritoryong panlupa sa Arctic, at kabilang sa mga bansa na may soberanya rito ay Canada, Denmark, Finland, Iceland, Norway, Russia, Sweden at Estados Unidos. Samanatala, umaabot sa 12 milyong kilometro kuwadrado ang saklaw ng Dagat Arktiko, kung saan ang mga bansa ay may karapatan at interes pandagat, ayon sa mga pandaigdig na batas.
Mga kopya ng Whitepaper hinggil sa Patakarang Arktiko sa wikang Tsino (kaliwa) at wikang Ingles (kanan) na isinapuboko ng Tsina, Enero 26, 2018. Mayroon din itong bersyon sa wikang Pranses, wikang Ruso, wikang Aleman, wikang Espanyol, wikang Arabe, at wikang Hapones. (Xinhua/Shen Hong)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |