Kaugnay ng nilalaman ng State of the Union Address ni Pangulong Donald Trump ng Amerika na may kinalaman sa Tsina, ipinahayag sa Beijing Miyerkules, Enero 31, 2018, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang kanyang bansa na itatakwil ng panig Amerikano ang lipas sa modang kaisipan ng Cold-War, zero-sum game, at tumpak na tingnan ang relasyong Sino-Amerikano sa pangkasalukuyang panahon.
Sa kanyang unang State of the Union Address, sinabi ni Pangulong Trump na ang Tsina at Rusya ay kakompetisyon ng Amerika. Kaugnay nito, sinabi ni Hua na may malawak at mahalagang komong interes ang Tsina at Amerika. Nangingibabaw pa rin aniya ang ilang pagkakaiba, pero mas malaki kaysa pagkakaiba ang komong interes ng dalawang bansa. Aniya, pinatutunayan ng kasaysayan at katotohanan, na ang kooperasyon ay siyang tanging tumpak na pagpili ng panig Tsino't Amerikano, at ang mas magandang kinabukasan ay malilikha sa win-win situation. Umaasa aniya siyang igagalang ng Tsina at Amerika ang isa't isa, pag-uukulan ng pansin ang kooperasyon, kokontrolin ang pagkakaiba, at pangangalagaan ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.
Salin: Vera