Inilabas kahapon, Biyernes, ika-19 ng Enero 2018, ni Defence Secretary James Mattis ng Amerika ang ulat hinggil sa estratehiya ng tanggulang bansa.
Hindi pa isinapubliko ang buong teksto ng 11-pahinang ulat na ito. Pero, ayon sa buod ng ulat, ang kasalukuyang pinaka-pangunahing pagkabahala sa pambansang katiwasayan ng Amerika ay estratehikong kompetisyon sa pagitan ng mga bansa, sa halip ng terorismo. Anito pa, ang ganitong kompetisyon ay, pangunahin na, galing sa Tsina at Rusya.
Kaugnay nito, sinabi nang araw ring iyon ng tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Amerika, na sa kasalukuyan, ang pokus ng daigdig ay kapayapaan at kaunlaran. Hindi dapat aniyang labis na pahalagahan ang kompetisyon at komprontasyon.
Salin: Liu Kai