|
||||||||
|
||
Group picture ng mga panauhin at artista
Manila, Pilipinas--Sa papalapit na Spring Festival o traditional Chinese New Year, idinaos Huwebes, Pebrero 1, 2018 sa Ateneo De Manila University (Quezon City) ang maagang Spring Festival Celebration kung saan itinanghal ang mga magandang palabas hinggil sa tradisyonal na kultura at kaugaliang Tsino.
Fernando Aldaba, Dean of School of Social Sciences ng Ateneo
Sinabi ni Fernando Aldaba, Dean ng School of Social Sciences ng Ateneo, na may Chinese blood ang maraming Filipino, kaya ang aktibidad na ito ay isang magandang showcase para sa pagkakaibigan ng dalawang bansa. Ito rin aniya ay magpapasulong ng people to people exchange ng dalawang bansa na makakaapekto, hindi lamang sa kabuhayan, kundi sa kabuuang ugnayan ng dalawang panig.
Lin Yi, Pangalawang Puno ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries
"To meet our Filipino friends here, to bring what we celebrate in China during Spring Festival Season," ayon kay Lin Yi, Pangalawang Puno ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC), ang katuturan ng event na ito.
Pinakamahalaga sa panahon ng Spring Festival o traditional Chinese New Year ang makapiling ang mga pamilyang Tsino at magkasama ang mga matatalik na magkakaibigan.
"Hope through today's performance, you can understand, not only the culture, but also the friendship we want to share with our Filipino Friends here," dagdag pa ni Lin.
Dr. Gabby Lopez, Presidente ng Association for Philippine-China Understanding
Sinabi rin ni Dr. Gabby Lopez, Presidente ng Association for Philippine-China Understanding (APCU), na umaasa siyang sa pamamagitan ng nasabing selebrasyon, malalaman ng mga Filipino ang mas marami hinggil sa Tsina kahit hindi pa man nakakapunta sa bansang ito.
Sa nasabing aktibidad, itinanghal ng mga artistang Tsino ang sand painting, Beijing Opera, Chinese calligraphy, tea ceremony, Chinese traditional magic at acrobatics.
Ang nasabing aktibidad ay magkasamang itinaguyod ng CPAFFC at APCU at mapapanood unang araw hanggang ika-3 ng Pebrero. Bukod sa Ateneo de Manila, itatanghal din ang palabas sa SM Clark, Pampanga at SM Mall of Asia, Maison Area sa Pasay City.
Sand painting
Chinese calligraphy
Acrobatics
Beijing Opera
Tea ceremony
Chinese traditional magic
Ulat/Larawan: Ernest Wang
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |