Ayon sa komunikeng inilabas kahapon, Biyernes, ika-2 ng Pebrero 2018, ng tanggapang pampanguluhan ng Palestina, nanawagan ang bansang ito para sa pagbuo ng bagong multilateral na mekanismong pandaigdig, upang pasulungin ang talastasang pangkapayapaan ng Palestina at Isreal, na nasa deadlock sapul noong 2014.
Sa komunike, ipinahayag din ng panig Palestino ang kahandaan sa pagpapanumbalik ng naturang talastasan. Pero anito, ang paunang kondisyon para sa pagdaraos ng talastasan ay pagkilala sa "Two State Solution."
Salin: Liu Kai