Ipinahayag ngayong araw, Lunes, ika-5 ng Pebrero 2018, ng Timog Korea ang pagtanggap sa pagdalaw sa bansang ito ng delegasyong pinamumunuan ni Kim Yong Nam, Pangulo ng Presidium ng Supreme People's Assembly ng Hilagang Korea, at pagdalo nito sa seremonya ng pagbubukas ng PyeongChang Winter Olympics.
Sinabi ng tagapagsalita ng Tanggapang Pampanguluhan ng T.Korea, na si Kim ay magiging pinakamataas na opisyal na H.Koreano na dumalaw sa T.Korea. Ang pagdalaw na ito aniya ay nagpapakita ng mithiin ng H.Korea para sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa, at matagumpay na pagdaraos ng naturang Olimpiyada. Nakikita rin dito ang katapatan ng H.Korea, dagdag pa niya.
Ipinahayag din ng nabanggit na tagapagsalita, na handang-handa rin ang mga mataas na opisyal T.Koreano, para sa pakikipag-usap o ibang porma ng pakikipagkontak kay Kim. Umaasa aniya ang pamahalaan ng T.Korea, na ang pagdalaw na ito ay magbibigay ng pagkakataon para sa pangmatalagang kapayapaan sa Korean Peninsula.
Salin: Liu Kai