|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina-Ilalabas ng Tsina ang tatlong-taong pambansang plano para mapalago ang industrial Internet.
Ito ang ipinahayag ni Ma Kai, Pangalawang Premyer ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Industrial Internet Summit 2018, nitong nagdaang Biyernes, Pebrero 2.
Ang industrial Internet ay tumutukoy sa network ng kombinado at sulong na makinaryang may sensor na nakakabit sa Internet. Maaari itong mangolekta, at mag-analisa ng mga datos na may kaugnayan sa mamimili, tagapagsuplay at pabrika. Sa pamamagitan nito, maaaring i-customize ng mga bahay-kalakal ang mga produkto, pasulungin ang kakayahang produktibo, at bawasan ang gastos.
Ayon sa pambansang plano, sa taong 2020, humigit-kumulang sampung cross-industry na Internet platform ang inaasahang maitatatag ng Tsina para mapabilis ang digital transformation. Sa 2025 naman, tatlo hanggang limang industrial internet platform na makakatugon sa pamantayang pandaigdig ang nakatakdang itatag ng Tsina.
Sa summit, itinanghal ng Haier Group, kilalang negosyo ng home appliances ng Tsina, ang COSMOPlat, plataporma ng industrial Internet na sarilinang idinebelop ng kompanya. Ito rin ang pinakamalaking plataporma sa daigdig na nagtatampok sa customization ng mga produkto. Sa kasalukuyuan, sa COSMOPlat, umabot na sa 320 milyon ang bilang ng mga user at 3.9 milyon ang bilang ng mga rehistradong bahay-kalakal sa iba't ibang sektor.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |