Ipinahayag kahapon, Lunes, ika-5 ng Pebrero 2018, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang kompiyansa ng panig Tsino, na aktibong pasulungin, kasama ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct (COC) in the South China Sea, para magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Winika ito ni Geng, bilang tugon sa sinabi ni Ministrong Panlabas Vivian Balakrishnan ng Singapore sa panayam ng pahayagang Straits Times. Ani Balakrishnan, mahinahon ang kasalukuyang kalagayan sa South China Sea, at ang pagpapatalastas ng mga bansang ASEAN at Tsina ng pagsisimula ng pagsasanggunian sa teksto ng COC ay isang positibong hakbang.
Sinabi rin ni Geng, na sumasang-ayon ang panig Tsino sa pahayag ng ministrong panlabas ng Singapore. Ito aniya ay nagpapakita ng tunguhin ng pagiging mabuti at matatag ng kalagayan sa South China Sea.
Salin: Liu Kai