Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ni Ryamizard Ryacudu, Ministrong Pandepensa ng Indonesia sa Raisina Dialogue na humupa ang kalagayan sa South China Sea, at dapat pangalagaan ang positibong tunguhing ito para sa komong interes. Dagdag niya dapat pahalagahan ang bukas na pakikitungo ng Tsina sa pagkakaroon ng kooperasyon para mapahigpit ang panrehiyong security architecture ng Asya.
Bilang tugon, noong ika-22 ng Enero, 2018, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na pinapurihan ng Tsina ang pahayag ni Ryacudu. Patunya ito sa positibo at tunay na hangarin ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa komong pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng South China Sea. Napakahalaga ng pagtitiwalaan sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na aktibong pasulungin ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea (COC) at pragmatikong kooperasyon sa dagat, ayon sa diwa ng komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), para magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng South China Sea.
salin:Lele