Kuala Lumpur, Malaysia—Ipinahayag Martes, Pebrero 6, 2018, ni Jin Liqun, Presidente ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), na magkakaroon ng kooperasyon ang AIIB sa Malaysia, sa larangan ng konstruksyon ng imprastruktura sa rehiyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang mga proyekto ng kooperasyon ay, pangunahing na, sa mga aspektong gaya ng transportasyon, paggawa ng koryente, paghahatid ng koryente, puwerto, paliparan at iba pa.
Winaka ito ni Jin sa World Capital Markets Symposium. Aniya, ang gawain ng AIIB ay pagpili ng magandang proyekto at pagpapasok ng kapital na panlipunan, o pagpapasok ng pagsali ng endowment fund o insurance company, matapos ang proyekto ng imprastruktura.
Sapul nang itatag ang AIIB noong Enero ng 2016, 84 miyembrong kinabibilangan ng Pilipinas ang sumapi sa bangkong ito. Inulit ni Jin na pananatilihin ng AIIB ang bukas at inklusibong pakikitungo, at laging bukas ito sa mga bansang nais na sumapi dito.
Dagdag pa niya, may pagkokomplemento ang AIIB, World Band at Asian Development Bank, dahil di-sapat ang pagkatig ng pondo ng iisang organo lang sa maraming proyekto, at kailangan ang magkasamang pagsisikap ng maraming panig.
Salin: Vera