|
||||||||
|
||
Miyerkules, Enero 24, 2017, nilagdaan sa Kuala Lumpur ng Anbound Malaysia at Zhongguancun the Belt and Road Industrial Promotion Association (ZBRA) ng Tsina ang kasunduan sa estratehikong kooperasyon, kung saan pumasok sa Malaysia ang Cirrus Project ng Zhongguancun. Layon nitong tumulong sa internship ng mga estudyanteng Malaysian sa Zhongguancun.
Sa seremonya ng paglagda nang araw ring iyon, ipinahayag ni Dr. Edward Foo, Direktor ng Anbound Malaysia, na sa kasalukuyan, pahigpit nang pahigpit ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Malaysia, lalung-lalo na, sa kooperasyon sa edukasyon at siyensiya't teknolohiya. Aniya, ang pagpapasok ng Cirrus Project ay maaaring magbigay-tulong sa mga kabataang lokal na maghanap ng mas maraming pagkakataon ng pag-aaral, magsanay ng kahusayan sa pag-aaral, at makinabang sa karanasan ng pag-unlad ng modernong internet ng Tsina.
Sinabi ni Foo na pag-aaralan ng Anbound Malaysia, kasama ng mga kinauukulang organo at kolehiyong Malay ang konkretong detalye ng pagpapatupad ng nasabing proyekto.
Ipinahayag naman ni Zhang Xiaodong, Punong Direktor ng ZBRA, na kasabay ng pagsulong ng Belt and Road Initiative, patuloy na sumisigla ang pangangailangan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa mga talentong mula sa kahabaan ng Belt and Road. Ang Malaysia ay unang hinto ng Cirrus Project sa ibayong dagat, at sa hinaharap, palalaganapin ang proyektong ito sa mas maraming bansa, dagdag pa ni Zhang.
Ang Cirrus Project ay unang innovative talent exchange project ng Tsina na naglilingkod sa mga hay-tek na bahay-kalakal at organo. Itinataguyod ito ng ZBRA.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |