|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Nakahanda ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) na patuloy na gaganap ng papel bilang tulay, para mapalago ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkabuhayan at pangkultura ng Tsina at Pilipinas, at mapasulong ang hene-henerasyong pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ito ang ipinahayag nitong Miyerkules ng gabi, Pebrero 7, 2017 ni Domingo H. Yap, dumadalaw na Presidente ng FFCCCII, sa pakikipagtapo kay Xu Yousheng, Pangalawang Direkor ng Overseas Chinese Affaires Office ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina. Pinangunahan ni Yap ang delegasyon ng FFCCCII sa pagdalaw sa Tsina.
Sinabi naman ni Xu na ang Pilipinas ay mahalagang bansa sa kahabaan ng 21st Maritime Silk Road. Umaasa aniya siyang titingkad pa ang papel ng FFCCCII para magkaloob ng payo at mungkahi sa mga bahay-kalakal na Tsino at Pilipino sa pamumuhunan sa isa't isa. Inaanyayahan din ni Xu ang FFCCCII na direktang makilahok sa mga proyektong may kinalaman sa Belt and Road Initiative para sa komong kasaganaan.
Sina Domingo H. Yap (ika-5 sa kanan, nakaupo), Presidente ng FFCCCII at Xu Yousheng (ika-6 sa kanan, nakaupo), Pangalawang Direkor ng Overseas Chinese Affaires Office ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina, kasama ng mga miyembro ng delegasyon, sa Beijing, Pebrero 7. (CNA/Zhang Qin)
Sina Domingo H. Yap (kaliwa, gitna), Presidente ng FFCCCII at Xu Yousheng (kanan, gitna), Pangalawang Direkor ng Overseas Chinese Affaires Office ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina, sa pag-uusap, sa Beijing, Pebrero 7. (CNA/Zhang Qin)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |