Pebrero 8, 2018, Beijing-"Bilang kapitbansa ng Timog at Hilagang Korea, positibo ang Tsina sa ilang diyalogong isinasagawa simula kamakailan ng Timog at Hilagang Korea dahil sa Olimpiyada ng Pyeongchang."
Ito ang winika ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa isang preskon pagkaraan ng Pampitong Estratehikong Diyalogo ng Tsina at Aprika, na pinanguluhan niya, kasama ni Tagapangulong Moussa Faki ng Unyong Aprikano.
Ipinahayag pa ni Wang ang pag-asang ipagpapatuloy ng naturang dalawang bansa, pagkatapos ng nasabing olimpiyada, ang kanilang diyalogo. Samantala, inaasahan din aniya ng Tsina na lalawak pa ang diyalogo, at lalahok dito ang mga may-kinalamang panig sa isyung nuklear ng Peninsula ng Korea, na kinabibilangan ng pag-uusap ng Hilagang Korea at Amerika, para maisakatuparan ang "ligtas sa sandatang nuklear" at pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa peninsula ng Korea.