Nangulo kahapon, Biyernes, ika-9 ng Pebrero 2018, sa Beijing, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Retno Marsudi ng Indonesya, sa ika-3 pulong ng magkasanib na komisyon sa bilateral na kooperasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Wang, na sa taong ito na ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng dalawang bansa ng komprehensibo at estratehikong partnership, nakahanda ang Tsina, kasama ng Indonesya, na ibayo pang pahigpitin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, pasulungin ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at palalimin ang bilateral na relasyon. Umaasa rin si Wang, na magkasamang magsisikap ang Tsina at Indonesya, para palakasin ang relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at hanapin ang bagong kooperasyon sa balangkas ng East ASEAN Growth Area.
Ipinahayag naman ni Retno ang kahandaan ng Indonesya, kasama ng Tsina, na palakasin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, pasulungin ang pag-uugnayan ng mga estratehiyang pangkaunlaran, at pahigpitin ang pagpapalitan ng mga mamamayan. Ipinahayag din niya ang pagtanggap sa pagpapalalim ng relasyon ng ASEAN at Tsina, at paglahok ng Tsina sa mga subrehiyonal na kooperasyon ng ASEAN.
Salin: Liu Kai