Dumating kahapon, Martes, ika-5 ng Disyembre 2017, sa Liuzhou, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, Tsina, ang 48-taong delegasyon ng Indonesian Rolling Stock Manufacturing Corporation, isang bahay-kalakal na ari ng estado ng Indonesya na tagayari ng iba't ibang uri ng tren.
Bumisita ang delegasyon sa Liuzhou Railway Vocational Technical College, kung saan tinalakay ng dalawang panig ang posibilidad ng pagtutulungan sa pagsasanay ng mga manggagawang Indones sa aspekto ng pagyari ng high-speed train.
Pagkatapos, pupunta rin ang naturang delegasyon sa Zhuzhou, lalawigang Hunan, at bibisita sa China Railway Rolling Stock Times Electric Co. Ltd., para hanapin ang pagkakataon para sa ibang kooperasyon.
Salin: Liu Kai