Sa magkasanib na preskon nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Retno Marsudi ng Indonesya, na idinaos kahapon, Biyernes, ika-9 ng Pebrero 2018, sa Beijing, sinabi ni Wang, na dapat buong tatag na pasulungin ng iba't ibang bansa ang rehiyonal na integrasyon, at pangalagaan ang malayang sistemang pangkalakalan sa buong daigdig.
Dagdag ni Wang, sa kasalukuyan, lubos na pinahahalagahan ng iba't ibang panig ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Sinabi niyang nakahanda ang Tsina, kasama ng Indonesya at mga iba pang may kinalamang panig, na palakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan, para tapusin sa lalong madaling panahon ang talastasan sa RCEP. Ito aniya ay aktuwal na aksyon para pasulungin ang rehiyonal na integrasyon at malayang kalakalan.
Salin: Liu Kai