Bumisita kahapon, Linggo, ika-11 ng Pebrero 2018, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa mga tahanan ng etnikong Yi, sa isang mahirap na nayon sa liblib na Kabundukan ng Daliang, lalawigang Sichuan, sa timog kanluran ng bansa.
Kinatagpo ni Xi ang mga taga-nayon, at inalam ang kalagayan ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ipinahayag niya ang kasiyahan sa nakitang pagbuti ng pamumuhay ng mga residente. Inulit niyang, ang pagtatatag ng Tsina ng may-kaginhawahang lipunan sa mataas na antas ay dapat sumaklaw sa bawat tao.
Tinalakay din ni Xi, kasama ng mga lokal na opisyal, ang hinggil sa pagbabawas ng kahirapan sa lokalidad.
Salin: Liu Kai