Sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Sichuan sa timog kanluran ng Tsina, bumisita kahapon, Lunes, ika-12 ng Pebrero 2018, si Pangulong Xi Jinping sa Bayang Yingxiu, lugar na napaka-grabeng apektado sa malakas na lindol, na naganap noong ika-12 ng Mayo, 2008 sa Sichuan.
Sa earthquake site sa Yingxiu, nag-alay ng bulaklak si Xi, bilang pagluluksa sa mga nasawi sa lindol at relief works. Inalam din niya ang kalagayan ng rekonstruksyon sa lokalidad.
Sa downtown Yingxiu, bumisita si Xi sa ilang restawran, at niluto niya, kasama ng mga taga-nayon, ang mga lokal na espesyalti para sa Chinese New Year.
Pagkaraan ng Yingxiu, pumunta si Xi sa Nayong Zhanqi. Mabilis ang pag-unlad sa nayong ito, at ito rin ang model village ng konstruksyon ng "bagong kanayunan."
Sa pananatili roon, ipinahayag ni Xi sa mga lokal na residente ang pagbati para sa Chinese New Year. Binigyang-diin din niyang, pag-iibayuhin ng buong bansa ang pagsisikap para sa pagpapasigla ng kaunlarang rural.
Salin: Liu Kai