Noong ika-12 ng Pebrero, 2018, sinabi ni Sultan Muhammad V, Yang di-Pertuan Agong o Kataas-taasang Lider ng Malaysia na masaya siyang nakikitang mabunga ang kooperasyon ng Malaysia at Tsina sa kalakalan, mga malaking proyekto at turismo. Aniya, ang "Belt ang Road"initiative ay nagdudulot ng bagong pagkakataon ng kooperasyon sa Tsina.
Ipinahayag ito ni Sultan Muhammad V sa panahon ng pagtatanggap niya ng kredensiyal ni Bai Tian, bagong Embahador ng Tsina sa Malaysia.
Sinabi naman ni Bai na nitong 44 taong nakalipas, sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysia, pinananatili ng dalawang bansa ang kooperasyong pangkaibigan, at pumapasok ang relasyon sa panahon ng mabilis na pag-unlad, na may matatag at komprehensibong pagsulong. Ito aniya ay nagdudulot ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang panig.
salin:Lele