Ipinadala kahapon, Lunes, ika-19 ng Pebrero 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mensaheng pakikiramay kay Pangulong Hassan Rouhani ng Iran, kaugnay ng pagbagsak ng isang eroplanong pampasahero sa bansang ito.
Sa kanyang ngalan, pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot ni Xi ang pagluluksa sa mga nasawi ng aksidenteng ito, at pakikiramay sa kani-kanilang mga kamag-anakan.
Noong ika-18 ng Pebrero, bumagsak ang isang eroplanong pampasahero ng Aseman Airlines ng Iran. Nasawi ang lahat ng mga pasahero at crew member sa eroplano.
Salin: Liu Kai