|
||||||||
|
||
Makaraang pagtibayin ng United Nations Security Council (UNSC) ang resolusyon bilang 2401 na humihiling sa Syria na isakatuparan ang tigil-putukan sa buong bansa, ipinahayag nitong Sabado, Pebrero 24, 2018, ni Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN), ang pagtanggap tungkol dito. Umaasa aniya siyang komprehensibong maisasakatuparan ang nasabing resolusyon.
Sinabi ni Ma na ang pagpapatibay ng resolusyon bilang 2401 ay bunga ng pagsasanggunian at magkakasamang pagsisikap ng mga kasapi ng UNSC. Kabilang sa mga nilalaman ng resolusyong ito ay paggalang sa soberanya, pagsasarili, unipikasyon, at kabuuan ng teritoryo ng Syria, paghiling sa iba't-ibang panig na itigil ang ostilong aksyon, pagpapahupa ng masidhing makataong kalagayan ng Syria, patuloy na pagbibigay-dagok sa terorismo, at iba pang positibong elemento. Aniya, aktibong nakikilahok ang Tsina sa pagsasanggunian at gumaganap ng konstruktibong papel upang mapasulong ang pagkakasundo ng UNSC. Sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng mga kaukulang panig, ipinakikita ng nasabing kalutasan ang pinakamalaking komong palagay ng mga kasaping bansa ng UNSC, at hinahangaan ito ng panig Tsino, dagdag pa niya.
Sinabi rin niya na ang kalutasang pulitikal ay tanging tumpak na paraan upang alisin ang kahirapan ng mga mamamayan ng Syria. Aniya, kinukondena ng panig Tsino ang lahat ng marahas na aksyong nakatuon sa mga sibilyan at instalasyong pansibilyan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |