Inilabas kahapon, Linggo, ika-25 ng Pebrero 2018, ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang dokumento hinggil sa mga mungkahi nito sa pagsususog sa Konstitusyon ng bansa.
Ang dokumentong ito, na iniharap sa Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, ay ginawa batay sa mga pinakahuling kalagayan at pangangailangan sa pagpapaunlad ng sosyalismong may katangiang Tsino sa makabagong panahon.
Nakasaad sa dokumento, na ilakip sa Konstitusyon ang ideya ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, hinggil sa Socialism with Chinese Characteristics for a New Era. Iminungkahi ring ilakip ang Scientific Outlook on Development, na iniharap ng liderato ni Hu Jintao, dating Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at dating Pangulo ng bansa.
Mayroon ding mungkahi, na kanselahin ang probisyong nagsasabing "ang Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Tsina ay hindi dapat manungkulan ng mas matagal kaysa dalawang sunud-sunod na termino."
Bukod diyan, nakasaad din sa dokumento ang mungkahi hinggil sa pagtatatag ng National Supervisory Commission at mga supervisory commission sa iba't ibang antas sa lokalidad, at mga iba pang mungkahi.
Salin: Liu Kai