Geneva—Hinimok, ika-26 ng Pebrero, 2018, ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang iba't ibang panig ng Syria na aktuwal na i-implimenta ang bilang 2401 ng UN Security Council (UNSC), at pahintulutan ang pagdating ng tulong na material at mga tauhan sa mga purok kung saan kinakailangan ang mga ito.
Sa talumapti ni Guterres sa seremonya ng pagbubukas ng ika-37 pulong ng United Nations Human Rights Council, ipinahayag niya ang kasiyahan sa buong pagkakaisang pagkakapatibay sa resolusyon sa UNSC. Aniya, kapag tumpak na naisakatuparan ang resolusyon, saka lamang, matatapos ang makataong kapahamakan sa Syria.
salin:Lele