Inilathala kamakailan sa loob at labas ng Tsina, kapuwa sa wikang Tsino at Ingles ang Mga Hango ng Ulat ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC noong Oktubre 18, 2017, ginawa ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng CPC ang ulat na pinamagatang "Secure a Decisive Victory in Building a Moderately Prosperous Society in All Respects and Strive for the Great Success of Socialism with Chinese Characteristics for a New Era." Ang nasabing ulat ay nakatawag ng matinding reaksyon sa loob at labas ng bansa.
May 16 na kabanata ang kalalathalang mga hango. Lubos nitong ipinakikita ang mga natamong tagumpay at pagbabagong historikal sa proseso ng reporma't pagbubukas, at konstruksyon ng sosyalistang modernisasyon ng Tsina sapul noong ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Inilahad din nito ang mga mahalagang kaisipan, kuru-kuro, desisyon, at hakbangin na iniharap sa ika-19 na Pambansang Kongreso. Makakatulong ito sa pagkaunawa ng mga mambabasang Tsino't dayuhan sa ideya ng pangangasiwa at estratehiya't patakaran sa administrasyon ng CPC, at landas ng pag-unlad at patakarang panloob at panlabas ng Tsina sa hinaharap.
Magkakasunod ding ilalathala sa malapit na hinaharap ang mga bersyon sa wikang Pranses, Ruso, Arabic, Espanyol, Portuguese, Aleman, Hapones at iba pa.
Salin: Vera