Ipinahayag Pebrero 27, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang idaraos sa lalong madaling panahon ang diyalogo ng Hilagang Korea at Amerika.
Winika ito ni Lu bilang tugon sa pahayag kamakailan ng Hilagang Korea na handa itong makipagdiyalogo sa Amerika, at reaksyon ng Amerika na tatanggapin ang nasabing mithiin sa ilalim ng katam-tamang kondisyon.
Ani Lu, sa kasalukuyan, napapahupa ang kalagayan sa Peninsula ng Korea dahil sa magkasamang pagpapasulong ng diyalogo ng Hilaga at Timog Korea. Umaasa rin aniya ang mga may-kinalamang panig na kinabibilangan ng Tsina, na lalawak ang nasabing diyalogo hanggang sa magkaroon ng diyalogo sa pagitan ng Hilagang Korea at Amerika. Aniya, ang isyung panseguridad ang nukleo ng isyung nuklear ng Peninsula ng Korea, at ang Hilagang Korea at Amerika naman ang mga masusing panig ng nukleong ito.