Ipinahayag Pebrero 27, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang all-weather na estratehikong katuwang ng Pakistan, patuloy na pahihigpitin ng Tsina ang pakikipagtulungan at pakikipagpalitan sa bansa sa pakikibaka sa terorismo.
Ani Lu, gumawa ng malaking ambag ang pamahalaan at mga mamamayang Pakistani laban sa terorismo. Aniya, kabilang dito ang mga aksyong panlupa, at aksyon sa larangang pinansyal. Umaasa aniya ang Tsina, na sa halip na predyudis, obdiyektibong papahalagahan ng mga may-kinalamang panig ang pagsisikap ng Pakistan sa usaping ito.