Idinaos dito sa Beijing mula noong ika-26 hanggang ika-28 ng Pebrero, 2018, ang Ika-3 sesyong plenaryo ng ika-19 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Bumigkas ng talumpati sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng CPC.
Pagkaraang mapakinggan at talakayin ang ulat ni Xi, pinagtibay ng sesyon ang mungkahi hinggil sa mga lider ng iba't ibang departamento ng pamahalaan ng Tsina. Ito'y isusumite sa idaraos na Unang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), susumite rin nito ang mga rekomendadong lider ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) sa idaraos na sesyon ng CPPCC. Pinagtibay din ng pulong ang kapasiyahan at plano hinggil sa pagpapalilalim ng reporma ng mga departamento ng CPC at bansa. Ang nasabing plano ay ihaharap din sa idaraos na sesyon ng NPC para suriin, alinsunod na batas.
salin:Lele