Beijing, Tsina--Alas-9 ng umaga bukas, Marso 5, 2018, magbubukas ang Unang Sesyong Plenaryo ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina. Tatagal ang taunang sesyon hanggang Marso 20.
Ito ang ipinahayag ni Zhang Yesui, Tagapagsalita ng NPC sa preskon ngayong araw, Marso 4.
Si Zhang Yesui, Tagapagsalita ng NPC sa preskon ngayong araw, Marso 4, sa Beijing, Tsina. (Xinhua)
Isinalaysay rin ni Zhang ang sampung pangunahing agenda ng gaganaping sesyon. Kabilang sa mga ito aniya ay pagsusuri sa ulat hinggil sa gawain ng pamahalaang Tsino, pagsusuri sa ulat sa pambansang plano at budget, pagsusuri sa balangkas na rebisadong Konstitusyon, pagsusuri sa ulat ng Pirmihang Lupon ng NPC, pagsusuri sa mga ulat ng gawain ng Kataas-taasang Hukumang Bayan at Kataas-taasang Prokuratoryat, pagsusuri sa plano sa reporma sa Konseho ng Estado o Gabinete ng Tsina, at iba pa.
Salin: Jade