Tinukoy ng Government Work Report na ihinarap ni Premiyer Li Keqiang, Marso 5, 2018, sa Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, na laging tumatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, positibong lumalahok ang bansa sa proseso ng pagpapabuti ng daigdig, at magsisikap para sa bukas na pandaigdig na ekonomiya. Nakahanda ang Tsina, anito na, mapasulong ang pagtatatag ng "community of shared future for mankind", kasama ng iba't ibang bansa ng daigdig.
Ayon sa ulat na ito, patuloy na itataguyod ng Tsina ang taunang pulong ng Boao Porum for Asia (BFA), Summit ng Shanghai Cooperation Organization, at iba pang pandaigdig na pulong, at patuloy na gaganap ang Tsina ng papel bilang responsableng malaking bansa sa mga isyung pandaigdig at panrehiyon.
Salin: Lele