Beijing, Tsina—Tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6.5% ang paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina sa taong 2018. Ito ang nakasaad sa Government Work Report na inilahad ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng bansa, na ginanap Lunes, Marso 5, 2018. Susuriin ng mga miyembro ng NPC ang nasabing ulat sa panahon ng idinaraos na sesyon na tatagal hanggang Marso 20.
Sinabi ni Huang Shouhong, Direktor ng Tanggapan ng Pananaliksik ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina na ang nasabing bahagdaan ng paglaki ay nagpakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa kalidad ng kabuhayan.Noong 2017, umabot sa 6.9% ang paglaki ng kabuhayan ng Tsina.
Idinagdag pa niyang itinakda ang nabanggit na pagtaya dahil lumipat na sa de-kalidad na pag-unlad ang kabuhayan ng Tsina, mula sa napakabilis na pag-unlad. Aniya pa, maaari itong may kaunting pagbabago sa kondisyong maigarantiya ang hanap-buhay. Mababasa rin sa nasabing government report na sa taong 2018, idaragdag ang mahigit 11 milyong bagong trabaho sa mga lunsod ng Tsina, samantala, magiging humigit-kumulang 3% ang paglaki ng mga consumer price.
Salin: Jade
Pulido: Mac