Sa kanyang Government Work Report na iniharap Lunes, Marso 5, 2018, sa Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa taong ito, isasagawa ng pamahalaan ang mga hakbangin para mapasulong ang hanap-buhay at pagsisimula ng negosyo.
Ang mga hakbangin ay kinabibilangan ng pagpapasulong ng hanap-buhay sa iba't ibang tsanel, pagpapataas ng individual income tax levy threshold, at pagpapataas ng lebel ng saligang health insurance at insurance ng napakalubhang sakit. Patuloy na palalakasin ang pagtatatag ng social credit system.
salin:Lele