Ipinahayag Marso 6, 2018 ni Chung Eui-yong, Punong Sugo ng delegasyon ng Timog Korea, na nakatakdang idaos ang summit ng Timog at Hilagang Korea, sa katapusan ng Abril ng kasalukuyang taon.
Winika ito ni Chung habang inilahad ang resulta sa katatapos na biyahe ng nasabing delegasyon sa Hilagang Korea.
Ipinahayag aniya ng Hilagang Korea ang mithiin na maisakatuparan ang walang nuklear na Peninsula ng Korea, at makipagdiyalogo sa Amerika. Aniya, ipinahayag din ng Hilagang Korea na kung walang bantang militar laban sa bansa at maigarantiya ang kabuuang seguridad ng bansa, hindi nito kakailanganin ang sandatang nuklear.
Nauna rito, kinatagpo ni Kataas-taasang Lider Kim Jong-un ng Hilagang Korea ang delegasyon ng Timog Korea.